Home NATIONWIDE Pinoys sa Papua New Guinea pinag-iingat sa lumalalang karahasan

Pinoys sa Papua New Guinea pinag-iingat sa lumalalang karahasan

MANILA, Philippines – Pinapayuhan ang mga Pilipino sa Papua New Guinea, lalo na sa Port Moresby at kalapit na bayan, na mag-ingat dahil sa tumataas na insidente ng karahasan.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), iwasan ang mga mapanganib na lugar at huwag lumabas sa alanganing oras.

Naglabas ng babala ang Philippine Embassy matapos ang dalawang brutal na pag-atake sa kababaihan, kabilang ang isang kaso ng pagdukot at gang-rape.

Nagsasagawa na ng demolisyon ang mga awtoridad sa isang settlement upang hanapin ang mga suspek. Kinondena ng UN ang karahasan ngunit binalaan din laban sa sapilitang pagpapalayas at pagwasak ng ari-arian.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga nangangailangan ng tulong sa embahada sa hotline (+675) 81537174 o email [email protected].

Tinatayang 40,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Papua New Guinea, karamihan sa sektor ng serbisyo at agrikultura. RNT