MAAARING magligtas ng milyong buhay ng ‘hardened smokers’ ang smoke-free products gaya ng vapes at heated tobacco products na nagde-deliver ng nicotine nang walang nasusunog na tabako.
Ang ‘hardened smokers’ ay iyong mga taong hindi kayang tumigil sa paninigarilyo.
“Quitting smoking is very difficult because tobacco contains nicotine, which is highly addictive. But it’s not nicotine that causes the serious health effects of tobacco use. It’s the thousands of chemicals produced by the burning of tobacco that make smoking so deadly,” ang sinabi ni Prof. Reuven Zimlichman, Director ng The Brunner Cardiovascular Research Institute sa Tel-Aviv University sa Israel.
Si Zimlichman ay bumiyahe kamakailan sa bansa para magsilbi bilang isang resource speaker sa 46th Philippine Neurological AssociationAnnual Convention na idinaos mula Nobyembre 26-29, 2024, sa Conrad Manila sa Pasay City.
Sinabi ni Zimlichman, halos kalahati (49%) ng mga naninigarilyo ang nasuri na may coronary artery disease (pagkipot o pagbara ng mga arterya na nagsu-suplay ng dugo sa puso) ang patuloy na naninigarilyo , 57% ng mga smokers ang patuloy naman na naninigarilyo matapos na ma-stroke, at 72% ng mga naninigarilyo na na-diagnosed o nasuri na may peripheral artery disease (pagliit ng mga ugat na nagsu-suplay ng dugo sa mga braso at binti) ang patuloy na naninigarilyo.
Kaya nga, naniniwala si Zimlichman na ang heated tobacco products at vapes, mga anyo ng tobacco harm reduction, ay technological innovations na mayroong potensyal na makapagligtas ng milyong buhay.
Ang Tobacco harm reduction ay isang public health strategy na naglalayong magbigay ng hindi gaanong nakakapinsalang mga alternatibo sa mga tao na sila mismo sa kanilang sarili ay ayaw na huminto sa paninigarilyo o may kasalukuyang naaprubahang mga pamamaraan.
Ang heated tobacco products ay lithium battery-powered devices na sapat lang na pinaiinit ang tabako para makapagpalabas ng nicotine-containing tobacco aerosol subalit hindi nasusunog ang tabako.
Ang vapes o e-cigarettes ay lithium battery-powered devices na pinaiinit ang likido (tinatawag na e-liquid) ay karaniwang naglalaman ng ‘nicotine, propylene glycol, vegetable glycerin, at flavorings.’
Kino-convert naman ng e-cigarette ang e-liquid sa isang ‘mist o vapor” na nilalanghap ng gumagamit.
Ito ang dahilan kung bakit ang paggamit ng e-cigarette ay kilala bilang vaping. Hindi sinusunog ng e-cigarettes ang tabako at hindi nagpo-produce ng tar o carbon monoxide, dalawa sa mga pinaka- nakapipinsalang elemento sa usok ng tabako.
Sa kabilang dako, tinukoy naman ni Zimlichman ang resulta ng 2021 South Korea study, kung saan makikita na ang paglipat sa smoke-free products ay nauugnay sa 23% na mababang panganib ng cardiovascular disease sa parehong kamakailan at pangmatagalang switcher.
Ang pagkabawas sa cardiovascular disease risk sa mga switcher ay kadalasang iniuugnay sa heated tobacco products.
Dating hindi naniniwala sa tobacco harm reduction, nagbago ng kanyang posisyon si Zimlichman matapos repasuhin ang umuusbong na scientific evidence na sumusuporta sa novel public health strategy.
Samantala, kinikilala at tanggap naman ni Zimlichman ang progreso ng Sweden, Japan, at UK sa pagbabawas smoking rates at ‘tobacco-related sickness and deaths’ matapos na isama ang tobacco harm reduction sa kanilang public health programs.
Nakakuha naman ang Sweden ng internasyunal na pagkilala para sa malawakang adopsyon ng snus at nicotine pouches, kasama ng public education efforts, makabuluhang nabawasan ang smoking rates sa bansa. Kris Jose