Home HOME BANNER STORY Pinsala ng lindol sa Mindanao, umabot na sa P1.29B – OCD

Pinsala ng lindol sa Mindanao, umabot na sa P1.29B – OCD

2
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa ₱1.29 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani noong Hunyo 8, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Ayon kay OCD information officer Diego Mariano, umabot na sa 774 ang mga napinsalang imprastraktura, bagaman wala pang karagdagang detalye na ibinigay.

Tinatayang ₱29.8 milyon naman ang pinsala sa agrikultura sa Davao del Norte at Davao del Sur.

Nananatili sa 68 ang bilang ng mga nasawi na sinusuri pa, habang 33 ang nawawala at 1,339 ang sugatan.

Batay sa datos, nasa Davao Region at Soccsksargen ang mga naapektuhang lugar.

Umaabot naman sa 339,254 pamilya o 1,417,078 katao ang apektado ng lindol, at 4,464 pamilya (19,791 katao) ang kasalukuyang nasa 45 evacuation centers.

Samantala, patuloy ang humanitarian assistance at disaster response ng Philippine Army, kabilang ang pagbibigay ng malinis na tubig, relief goods, at food packs sa mga apektadong komunidad sa Sarangani at Davao Occidental.

Ayon sa ulat, libo-libong food packs at iba pang suplay ang naihatid sa pamamagitan ng airlift operations at koordinasyon sa iba’t ibang ahensya upang matulungan ang mga residente sa mga apektadong lugar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here