CAVITE, Philippines – Isang dating AFP Reservist ang naaresto makarang manutok at makuhanan ng baril nang napagkamalan nito na mga tambay ang mga operatiba na nagsasagawa ng inventory sa naganap na buy bust operation sa Dasmarinas City, Cavite Martes ng umaga.
Kinilala ang susoek na si alyas Raymart dating AFP Reservist na residente sa nasabing lugar.
Sa ulat, bandang alas-3:00 ng madaling araw nagsasagawa ng inventory sa isinagawang buy bust operation ang mga miyembro ng Dasmarinas CPS Intel Operatives sa Barangay Paliparan 3, ng nasabing lungsod nang dumating ang suspek.
Inakala ng suspek na mga tambay lang ang mga kalalakihan na nandoon sa lugar kung kaya mabilis na binunot at kaagad ay iminasa ang baril mula sa kanyang baywang sa harapan ng mga operatiba na nagresulta sa pagkakaaresto nito.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang kalibre 9mm Llama Max, isang 9mm Parabellum C/F, Gabilondoy CIA Vitoria Espania, isang magazine ng 9mm at dalawang piraso ng Id na isang Driver’s License at AFP Reservist ID na expired na.
Kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Fire arms) for Violation of R.A10591 (Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act) ang kinakaharap ng naarestong suspek. MARGIE BAUTISTA