Home NATIONWIDE Meta Philippines: Walang data na nawala sa kamakailang global outage

Meta Philippines: Walang data na nawala sa kamakailang global outage

1
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Meta Platforms Philippines na walang data na na-compromise sa naging outage ng kanilang mga aplikasyon noong nakaraang linggo.

Ayon kay Meta Philippines head of public policy Gio Tingson, agad na naibalik ang serbisyo ng Facebook, Messenger, at Instagram at walang naitalang pagkawala ng data o problema sa seguridad ng mga user accounts.

“Ang maganda dito ay hindi po siya matagal. Yung disruption po na nangyari ay klaro naman na na-restore natin lahat ng services. At walang nawalang data or anything monetary, or anything in relation to the safety and the use of the accounts of our Facebook users,” ani Tingson.

Dagdag niya, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng kumpanya sa sanhi ng outage at kasalukuyan pang tinatapos ang audit.

Nangyari ang aberya noong gabi ng Hunyo 12, kung saan libo-libong users sa buong mundo ang naka-experience ng problema sa pag-access ng Facebook, Messenger, at Instagram, at pansamantalang na-log out sa kanilang accounts.

Ayon sa monitoring site DownDetector, mahigit 100,000 reports ang naitala para sa Facebook at humigit-kumulang 10,000 para sa Instagram bago maibalik ang serbisyo matapos ang ilang oras. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here