Home METRO Pinsala ng M7.8 lindol sa Mindanao, personal na susuriin ni DPWH Sec....

Pinsala ng M7.8 lindol sa Mindanao, personal na susuriin ni DPWH Sec. Dizon

3
0

MANILA, Philippines – Tumulak na rin si DPWH Secretary Vince Dizon sa Mindanao para magsagawa ng assessment sa public infrastructure kasunod ng magnitude 7.8 na lindol, umaga ng Lunes, June 8.

Ayon sa DPWH PIO, papuntang na sa General Santos Mindanao ang kalihim kasama ang kanilang team upang makita ang naging pinsala ng malakas na pagyanig. 

Nais din matiyak ng DPWH ang kaligtasan ng mamamayan at matiyak na makakarating ng mabilis ang mga tulong lalo na sa panahon ng mga emergency situation tulad nang nangyaring sa rehiyon.

Kabilang sa susuriin  ang mga tulay kung saan may napaulat na gumuho pero ito ay beniberipika pa ng DPWH.

Sa pinakahuling update ng DPWH sa Maynila, nagpapatuloy ngayon ang on-ground assessment  at wala pang naipapadalang report ang district at regional offices nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here