Home ENTERTAINMENT Piolo, ”mama” pa rin ang tawag kay Sharon!ENTERTAINMENTNATIONWIDESHOWBIZTOP STORIES Piolo, ”mama” pa rin ang tawag kay Sharon!March 21, 2025 13:45 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Isa sa mga nag-react positively sa pagpayat ni Sharon Cuneta ay si Piolo Pascual.“Beautiful mama,” post ni Piolo.So, anong kunek?Minsan isang panahon ay naging bahagi rin si Piolo ng buhay ni Sharon.May “romantic past” sina KC Concepcion at Piolo, remember?Ikinatuwa naman ng mga netizens ang pagtawag ng “mama” ng aktor sa Megastar.Umuurot nga ang mga ito ng pelikulang puwedeng pagsamahan nina Sharon at Piolo, preferably suspense drama ang genre.Paging Star Cinema, panawagan ng mga ito.Pero kung hindi naman, what is Piolo’s film company Spring Films doing?Anyway, of late ay dalawang magkasunod ang ipinagluluksa ng pamilya ni Sharon.Unang pumanaw si Bacon, ang kanilang pet pig.Ilang araw lang pagkatapos ay si “Grandpa” naman.Around 16-17 years old, si Grandpa ay pet dog ni KC who posted her thanks to her mom for taking care of it in her absence.Kilalang pet lover si Sharon at ang kanyang pamilya. Ronnie Carrasco III