Home ENTERTAINMENT Piolo, nilaglag na si Juday!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Piolo, nilaglag na si Juday!November 21, 2026 15:0160 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Viral ang clip kung saan sumalang si Piolo Pascual sa challenge ng isang vlogger.Sa nasabing hamon, binanggit ng vlogger ang mga pelikulang pinagbidahan ni Piolo.Pinapili siya kung ano ang mas bet o paborito niya.Ani Piolo, mas bet niya ang Lagarista kesa Kahit Isang Saglit at Bakit Di Totohanin.Mas paborito rin daw niya ang Dekada 70 over Till There Was You.Preferred naman niya ang Milan over Till There was You.Napansin ng kibitzers na wala ni isa mang movie na pinagtambalan nila ni Judy Ann Santos ang kanyang pinili.Ito ang ilang hirit ng mga nagmamarisol.“Hahaha. Nilaglag talaga si Juday.”“Na-realize siguro niya na malabo na silang magkatrabaho ni Judy Ann.”“Dati atat na atat sa balik-tambalan with Juday.”“Kasalanan ito ni Ryan Agoncillo.”“It’s a matter of choice. Siyempre pipiliin niya ang Lagarista dahil iyon ang first lead role niya. Sa Dekada 70 naman, nanalo siya ng award.”“Laglag si Juday kay Clau. Mas bet daw niyang screen partner si Claudine.” Archie Liao