MANILA, Philippines – Nakipagpulong ang Department of Education (DepEd) sa key private sector stakeholders para hingin ang suporta ng mga ito sa paghahanda para sa Programme for International Student Assessment (PISA) sa 2025.
Sa kalatas nitong Sabado, Setyembre 14, sinabi ng DepEd na isinagawa nito ang 2024 Stakeholders’ Forum sa central office ng ahensya noong Huwebes, na pinangunahan ni Assistant Secretary for Curriculum and Teaching Janir Datukan para sa komprehensibong paghahanda para palakasin ang mga guro at estudyante para sa PISA.
Ibinahagi ni Datukan ang mga impormasyon tungkol sa PISA, na ipinatutupad ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD).
Layon ng pagsusulit na suriin ang kalidad ng education system ng isang bansa ayon sa global standards.
Ipinresenta rin ng opisyal ang mga plano at aktibidad bilang paghahanda sa PISA 2025.
“We intend to provide them [teachers and learners] with the resources. So, it’s going to be like a bar exam,” pahayag ni Education Secretary Sonny Angara sa deliberasyon ng Senate Committee on Finance noong Martes para sa proposed budget ng DepEd sa susunod na taon.
“Maybe we can house them, create a special class, review class for them where they receive special attention. Maybe a tutorial type of system and digital assistance as well, meaning provision of computers so they are familiar with taking exams on computers. [So,] there’s no shock factor come exam time in March 2025,” dagdag pa niya.
Ani Angara, natukoy na nila ang nasa 1.6 milyong 15-year-old public school learners mula Grades 7 hanggang 10 na posibleng makilahok sa PISA. RNT/JGC