MANILA, Philippines – Patuloy na bumagsak ang halaga ng piso laban sa dolyar nitong Lunes, matapos magbukas ang bagong trading week sa panibagong record low.
Nagbukas ang piso sa ₱62.62 kada dolyar at humina pa sa ₱62.77—ang pinakamababang antas nito sa intraday trading. Dahil dito, mas lumalim ang pagpasok ng piso sa ₱62 territory.
Ayon sa Reuters, lumakas ang dolyar dahil sa tumitinding inaasahan na muling magtataas ng interest rate ang US Federal Reserve. Dagdag pa rito, ang panibagong tensyon sa Middle East ay nagdulot ng pangamba na maaaring tumaas ang presyo ng enerhiya at magpalala ng inflation. RNT/MDS