MANILA, Philippines – Humina ang piso at nagsara sa 60.48 kontra US dollar nitong Huwebes habang pinalakas ng tensyon sa Middle East ang demand para sa greenback sa kabila ng interest rate hike ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Bumagsak ang lokal na pera ng 35 sentimos mula sa nakaraang close at umabot pa sa intraday low na 60.58 bago bahagyang nakabawi.
Ayon sa mga ulat, lumakas ang US dollar matapos samsamin ng Tehran ang dalawang sasakyang-dagat sa Strait of Hormuz noong Miyerkules, na nagpatindi sa tensyon matapos palawigin ni US President Donald Trump nang walang takdang panahon ang ceasefire sa Iran nang walang malinaw na direksiyon sa panibagong negosasyon.
Nagbabala rin ang BSP na maaaring lumampas sa 4 porsiyentong target ang inflation sa Pilipinas hanggang sa susunod na taon dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng sigalot sa Middle East.
“The inflation outlook has deteriorated amid the ongoing conflict in the Middle East. Higher global oil and fertilizer prices have begun feeding through to domestic fuel and food prices. At the same time, core inflation has continued to rise, pointing to a broadening of underlying price pressures,” ayon sa BSP. Dave Baluyot