MANILA, Philippines — Itutuloy ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ngayong Miyerkoles, Setyembre 30, ang ikalawang araw ng kanilang transport strike upang igiit sa pamahalaan ang mga panawagan kaugnay ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa grupo, magsasagawa muna ng mga pagkilos sa iba’t ibang strike centers ang mga tsuper at operator bago magtipon sa Welcome Rotonda alas-2 ng hapon at magmartsa patungong Mendiola sa Maynila.







