Home NATIONWIDE Piyansa ng 6 akusado sa ‘missing sabungero’ case kinansela ng CA

Piyansa ng 6 akusado sa ‘missing sabungero’ case kinansela ng CA

MANILA, Philippines – Binawi ng Court of Appeals (CA) ang piyansa na ibinigay ng mababang korte sa anim na akusado sa kasong abduction at serious illegal detention ng “missing sabungeros” noong 2022.

Sa 18 pahinang desisyon, kinatigan ng CA Third division ang petition for certiorari ng prosekusyon dahil nakagawa ng grave abuse of discretion ang Manila RTC Branch 40 dahil sa pagkakaloob ng piyansa sa mga akusado.

Una nang iniutos ng mababang korte ang pansamantalang paglaya ng mga akusado na sina Julie Patidongan,Mark Carlo Zabala, Roberto Matillano Jr., Johnry Consolacion, Virgilio Bayog at Gleer Codilla noong December 2023 sa piyansa na tig P3-milyon.

Hiniling prosekusyon ang muling pag-aresto sa mga suspek.

“The respondent judge gravely abused her discretion when she granted the private respondent’s petition for bail notwithstanding the presence of strong evidence of their guilt.”

Sinabi ng CA na malakas ang mga ebidensya na ang mga akusado ang dumukot sa mga biktima.

Iginiit ng CA na nagkamali ang trial court ng sabihin na hindi napagkaitan ng kalayaan ang mga biktima dahil lamang sa boluntaryong pagsama sa mga respondent.

Hindi rin binigyan bigat ng appellate court ang pagbawi sa salaysay ng isa sa testigo. Binaei ng testigo ang kanyang salaysay hindi dahil sa pagsisinungaling kung hindi dahil sa stress at pagod ng pagiging testigo. Teresa Tavares