Manila, Philippines – Kalat na partikular sa Facebook ang last will and testament ng binansagang Queen of Philippine Cinema na gawa na noon pang 2023.
May heading na Pinoy History, nakasaad doon na every five years since 1955 ay naglalagak ng pera si Ms. Gloria Romero sa kanyang time deposit sa walong iba’t ibang banko.
Ayon sa artikulo, naka-breakdown ang porsyento ng kabuuang pera’t ari-arian ng yumaong aktres kung saan pupunta ang mga ito.
Isa lang daw ang property ni Tita Glo, ang kanyang mansion na tinatayang P19.1 million ang halaga.
Nasa P717.9M naman ang total na halaga ng pera niya sa banko.
As for the breakdown, tig-25% ang mapupunta sa mag-inang Maritess at Chris Gutierrez (apo) including the Galla mansion.
Treinta porsyento naman ang nakalan para sa pagpapatayo ng paaralan (high school) sa Bataan.
This translates to P215.3 M.
Tig-P47.3M naman ang mapupunta sa tatlong non-government organization representing 20%.
Ito y para sa mga batang inabandona, para sa mga elderly na wala nang pamilya at isa pa para sa mga mahihirap na bata.
Hindi binanggit ng kanyang abogado kung anu-anong institusyon ang mga ‘yon.
Sa nasabi ring artikulo nakasaad na kahanga-hanga ang pagiging isang pilantropo ng yumaong aktres.
Maging ang payak niyang lifestyle o kawalan ng luho ay hinangaan din.
Despite leaving the mortal world, patuloy na gugunitain ang alaala ni Ms. Gloria Romero. Ronnie Carrasco III