MANILA, Philippines – Tinitignan ng Commission on Elections (Comelec) na subaybayan ang mga political survey na maaring makaimpluwensya sa mga botante sa darating na eleksyon 2025.
Susubaybayan din ng komisyon ang mga endorsement ng mga kandidato ng celebrities at influencers.
Sinabi ng Comelec na hindi nito tatanggapin ang karaniwang dahilan o excuse na libre ang pag-endorso.
Kailangang ideklara ng mga kandidato ang mga gastos sa kanilang Statement of Contributions at Expenditures na isapubliko ng Comelec.
Idinagdag pa ng poll body na tinitignan din nito ang pagsubaybay sa political surveys.
Lumagda ang Comelec at Tiktok sa isang memorandum of understanding para labanan ang disinformation sa social media app.
Naglunsad din ang TikTok ng election center na makikita sa app kapag naghanap sila ng impormasyon sa 2025 polls.
Nilagdaan din ng Comelec ang isang memorandum of agreement sa National Commission on Indigenous Peoples para palakasin ang partisipasyon ng mga katutubo sa halalan at protektahan ang kanilang mga karapatan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)