
HINDI nakapagtataka kung sa huli’y tanghaling ganador itong si veteran Las Piñas Councilor at congressional bet Mark Anthony Santos dahil bukod sa pagiging popular sa mga taga-lungsod ay sadyang kapuri-puri ang seven-point political platform nito na patok na patok agad lalo sa social media.
Bago pa man inilabas ng kampo niya ang kanyang plataporma, naging maayos ang mga kasagutan ni ’Congsi’, tawag kay Santos, sa one-on-one live interview ni Atty. Karen Jimeno ng Bilyonaryo TV kung saan natalakay ang tungkol sa milyon-milyong pisong utang sa amilyar ng kanyang katunggaling si Sen. Cynthia Villar sa city government.
Una sa kanyang programa ay ang social housing para sa informal settlers’ families kung saan ay kanyang isusulong ang paglilipat sa loob ng lungsod at on-site development para sa mga ito na may kasalukuyang bilang na humigit-kumulang na 20, 000.
Inihayag ni Santos na kanyang ii-endorso ang ‘Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino’ (4PH), ang pangunahing programa ng pambansang pamahalaan na idinisenyo upang tugunan ang pangangailangan ng disente at abot-kayang pabahay sa mga residente.
Kung papalarin, ani Santos, ay magkakaroon siya ng Extension Congressional Office na matatagpuan sa city hall upang agarang tumugon sa mga kahilingan at pangangailangan ng mga taga-lungsod.
Ang panukalang extension office ang magiging kauna-unahan mula nang mahalal na kongresista ang bilyonaryong negosyanteng si Manny Villar noong 1992 o tatlong dekada na’ng nakararaan.
Sabi pa ni Santos, una niyang isasalang na panukalang batas ay ang karagdagang distrito sa Kongreso dahil ang Las Piñas ay may populasyon na 606,293, higit sa constitutional requirement na 250,000 residente upang maging kwalipikado para sa isa pang legislative district.
Aniya, palalawakin ng kanyang opisina ang mga benepisyo ng programa kabilang ang tulong pinansyal, libreng bitamina, medical at dental check-up, mga insentibo sa Pasko at recreational perks para sa senior, solo parents at persons with disabilities.
Susuportahan din ni Santos ang Green Card program ng kung saan ay maglalaan ng karagdagang pondo para sa libreng hospitalization package na nagkakahalaga ng P30,000 at iba pang benepisyong kailangan sa kalusugan ng mga residente.
Para naman sa mga kabataan, mag-oorganisa si Santos ng indoor sports competition tuwing summer months sa 20 barangay ng lungsod.