Home HOME BANNER STORY Plunder case vs Zaldy Co, maaaring resolbahin ng DOJ

Plunder case vs Zaldy Co, maaaring resolbahin ng DOJ

196
0

MANILA, Philippines – Maaaring resolbahin ng Department of Justice (DOJ) ang plunder case ni dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co kahit wala siya sa Pilipinas.

Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, hindi na kailangang hintayin pang makabalik ng bansa ang dating mambabatas.

Aniya, maglalabas ng resolusyon ang DOJ panel of prosecutors kung itutuloy sa korte o ibabasura ang plunder case na isinampa ng NBI laban kay Co.

Paliwanag ni Martinez, hindi hadlang ang hindi pagsusumite ng kontra salaysay para maresolba ang kaso batay sa ebidensysa.

Dagdag pa, may 60 araw ang prosekusyon mula sa petsa ng pagsasampa ng kaso para tapusin at mailabas ang kanilang desisyon o resolusyon.

Hindi lamang ang plunder case ang kinakaharap ni Co kundi may arrest warrant pa ito na inilabas ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong malversation at graft dahil sa umano’y P289 milyong flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here