Home NATIONWIDE PNP-Anti Kidnapping group acting director Ragay sinibak sa tungkulin – ulat

PNP-Anti Kidnapping group acting director Ragay sinibak sa tungkulin – ulat

MANILA, Philippines- Tinanggal si Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) acting director Police Colonel Elmer Ragay sa kanyang pwesto epektibo nitong Biyernes, February 28, ayon sa PNP, batay sa ulat.

Ikinasa ni PNP chief Police General Rommel Marbil ang administrative relief ng command sa gitna ng umiiral na imbestigasyon kasunod ng pagdukot sa isang Chinese international student sa Taguig City, ayon sa ulat nitong Sabado.

Kabilang sa mga tinatalupan ang: hindi ang PNP-AKG ang sumagip sa biktima at walang naarestong suspek. Iniimbestigahan din ang mga kaganapan hinggil sa pagsagip sa biktima.

Noong Feb. 20, dinukot ang isang 14-anyos na Chinese national na nag-aaral sa Taguig City, base sa Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO). Nasagip siya noong Martes ng gabi, Feb. 25.

Inihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla noong Miyerkules na isang sindikato na dating sangkot sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang nasa likod ng kidnapping.

Sinabi rin ni Remulla na natagpuang patay ang driver ng bata sa isa pang sasakyan.

Natagpuan ang luxury van ng biktima sa Bulacan isang araw matapos siyang kidnapin.

Ayon sa ulat nitong Biyernes, natagpuan ang abandonang van 100 metro ang layo mula sa Bypass Road sa Kaingain, San Rafael, Bulacan noong February 21, isang araw lamang matapos ang pagdukot.

Sa loob ng van, natuklasan ang bangkay ng 29-anyos na driver na sa likod ng driver’s seat.

Nakipagsabwatan umano ang pinaslang na family driver sa mga suspek, base sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kinilala ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek na si Wang Dan Yu alyas Bao Long, isang puganteng Chinese na wanted sa ilang krimen kasama ang murder, carnapping, at kidnap for ransom. RNT/SA