Manila, Philippines- Sa kauna-unahang pagkakataon, sa loob ng dalawang dekada na niya sa showbiz ay nakatuntong na si Sam Millby sa bakuran ng GMA.
Si Sam ay produkto ng Pinoy Big Brother sa ABS-CBN.
He’ll mark his 20th year in the business ngayong 2025.
Sa March 3, Lunes ay kaabang-abang ang kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda.
Naging tradisyon na sa sinumang first-timer-guest na lumuhod at humalik sa sahig ng GMA studio, na siyang ginawa ni Sam.
Pagkatapos niyon ay si Boy naman ang lumuhod at humalik sa sahig.
But more than the display of respect, hindi dapat palampasin ang guesting ni Sam.
Sa panayam kasi ni Boy sa kanya ay hindi napigilan ni Sam na maging emosyonal lalo’t ang paksa ay tungkol sa na-call off nang engagement nila ng nobyang si Catriona Gray.
Kilalang napakapribado ni Sam pagdating sa kanyang personal na buhay, but he managed to share a bit of that on the show.
Tiyak na hahataw sa ratings ang March 3 episode ng FTWBA!