Home HOME BANNER STORY PNP may 2 persons of interest na sa MSU bombing

PNP may 2 persons of interest na sa MSU bombing

MANILA, Philippines – Sinabi ng pulisya nitong Lunes, Disyembre 4, na natukoy na nila ang higit sa dalawang persons of interest sa nakamamatay na pag-atake ng bomba nitong Linggo sa Dimaporo Gymnasium sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City — isang pag-atake na inaangkin ng Islamic State.

“We have persons of interest and one of our persons of interest pointed on ‘yung local terrorist,” ani Bangsamoro Police Regional Office chief Police Brigadier General Allan Nobleza nang tangungin ukol sa pag-aangkin ng Islamic States sa pagbobomba.

Ang grupo ng Islamic State, na may impluwensya sa timog ng bansa, ay nagsabi sa Telegram na pinasabog ng mga miyembro nito ang bomba, ayon sa ulat ng Reuters.

“Mayroon kaming persons of interest but the investigation is still ongoing. Para hindi ma-preempt ang imbestigasyon ay hindi namin ibubulgar ang mga pangalan,” ani Nobleza.

Nangyari ang pagsabog alas-7:30 ng umaga noong Linggo habang may misa sa gym na dinaluhan ng mga estudyante at guro.

Ayon kay Nobleza, apat ang nasawi at 45 ang sugatan. Sa mga sugatang indibidwal, 35 na ang nakalabas na ng ospital.

Hindi bababa sa 10 sugatan ang nasa ospital at lima sa kanila ang kritikal, dagdag niya. Santi Celario

Previous articleSWAT officer patay sa road mishap
Next article‘Iligal’ na pagpasok ng US combat ship sa Ayungin sinita ng Tsina