Home METRO SWAT officer patay sa road mishap

SWAT officer patay sa road mishap

BAGUIO CITY — Nakikiusap ang Kalinga police sa publiko na tumulong sa pagtukoy sa driver ng sasakyan na nakasagasa sa isang opisyal ng Special Weapons and Tactics unit ng Tabuk police nitong Biyernes, Disyembre 1.

Idineklara si S/Sgt. Aldrine Agpad na dead on arrival sa isang kalapit na ospital matapos siyang maaksidente habang siya ay nagjo-jogging sa Barangay Nambaran, Tabuk.

Sinabi ng imbestigador na may nakitang parte ng sasakyan malapit sa bangkay ni Agpad, na natagpuang nakahandusay sa kahabaan ng highway bandang alas-6 ng umaga, ayon kay Kapitan Rafael Manganip, tagapagsalita ng Tabuk police.

Iniimbestigahan na ang mga kuha ng CCTV malapit sa lugar.

Hinimok ni Manganip ang mga residente na maaaring nakapansin ng anumang sasakyan na may sirang hood o dents na makipag-ugnayan sa pulisya. Santi Celario