Home HOME BANNER STORY Taas-pasahe sa MRT-3 sa 2024

Taas-pasahe sa MRT-3 sa 2024

MANILA, Philippines – Magtataas ng pamasahe ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) simula sa 2024, kung saan sinabi ng gobyerno na kailangan ang hakbang upang matustusan ang mga gastos na kinakailangan para sa mga operasyon ng linya ng tren.

Kapag naipatupad na, ang minimum na pamasahe ng MRT-3 ay tataas mula sa kasalukuyang P13 hanggang P16, habang ang end-to-end na biyahe mula North Avenue hanggang Taft Avenue station ay tataas mula P28 hanggang P34.

“Tinatapat lang po natin ‘yung pangangailangan ng maintenance, ‘yung pangangailangan ng operations, doon po sa pamasaheng ibinabayad ng ating mga pasahero,” ani Transportation undersecretary for planning and project development Timothy John Batan.

Nauna nang sinabi ng MRT-3 na nahihirapan ito sa pananalapi, at sinasabing hindi sumasapat ang mga kita sa pamasahe upang mabayaran ang puhunan sa pagtatayo ng pasilidad, pagpapanatili, at pagpapatakbo ng linya.

Ayon sa pamunuan ng MRT3, umabot sa P8.969 bilyon ang mga gastos nito noong Nobyembre 2022, habang ang kabuuang kita ay nasa P1.107 bilyon– isang depisit na P7.861 bilyon o P88.34 na subsidy ng gobyerno bawat pasahero. Santi Celario

Previous articleDayuhang terorista may kumpas sa MSU bombing
Next articleSWAT officer patay sa road mishap