MANILA, Philippines- Humingi ng paumanhin nitong Biyernes ang Philippine National Police (PNP) sa “friendly pictures” ng hepe nitong si Police General Rommel Marbil kasama si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa kanyang deportasyon sa Indonesia.
“Kung meron mang na-offend, kung meron mang hindi nagustuhan po ‘yun ay humihingi tayo ng pasensya,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang press briefing.
“I’m sure SILG and Chief PNP ay aware naman po sa mga naririnig. There was no intention on their part to offend anyone.”
“It’s normal for anyone siguro kapag kinukuhanan ng picture nag-i-smile naman but it does not necessarily follows that parang ang pinapalabas po, that are putting malice doon po sa pagpo-pose po ni Alice Guo with them on that picture,” dagdag pa ng opisyal.
Personal na nagtungo sina Marbil at Abalos sa Jakarta upang asikasuhin ang deportasyon ni Guo, na naaresto ng Indonesian authorities sa Tangerang City.
“Nag-request si Alice na kausapin kami ni Chief and sinabi talaga na meron siyang death threats and in-assure ko siya na death threats ‘wag niyang alalahanin. Ang importante sabihin niya ang totoo, lahat,” paliwanag naman ni Abalos.
“Pina-document namin, para malinaw ito. Hindi ko naman alam kung anong ginagawa niya, siyempre nakatingin ako sa camera,” dagdag niya.
Samantala, inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga opisyal na mag-isyu ng show cause orders laban sa government agents who na nakipag-selfie kay Guo.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala siyang nakikitang mali sa selfie photos kasama si Guo after matapos sitahin ng mga senador ang Philippine government agents na nagpalitrato kasama nito.
“I think that is part of the new culture now na nagpapakuha ng kahit ano kasi po-pose nila, tingnan mo, oh nakasama ko sa team na nag-aaresto…” ani Marcos.
“Ang tawag natin sa Pilipinas, we are the selfie capital of the world ‘di ba? Oh ‘di nag-selfie, eh, hindi mo naman pigilan ang tao na ngumiti… They just had a selfie, I don’t think there’s more to it than that,” patuloy niya. RNT/SA