MANILA, Philippines- Inabisuhan ang mga motoristang gumagamit ng Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX) na lagyan ng laman ang kanilang RFIDs dahil magsasagawa ang toll road ng dry-run ng cashless toll collection sa susunod na linggo.
Inanunsyo ng PEA Tollway Corp., operator ng CAVITEX, na magsisimula ang dry run ng 100% RFID sa lahat ng toll plazas at no cash lanes sa September 14, 2024.
Kabilang sa kalahok na toll booths ng CAVITEX sa dry run ang Parañaque (R1 Expressway) Toll Plaza at Kawit (R1 Extension Expressway) Toll Plaza. RNT/SA