Home HOME BANNER STORY PNP naka-‘full alert’ na para sa Eleksyon 2025

PNP naka-‘full alert’ na para sa Eleksyon 2025

MANILA, Philippines- Pinairal ng Philippine National Police (PNP) ang full alert simula ngayong Sabado, Mayo 3, bilang paghahanda para sa seguridad ng 2025 midterm elections. 

“We’re 100%. We are in full alert starting tomorrow,” pahayag ni PNP chief Police General Rommel Marbil sa isang ambush interview nitong Biyernes.

“Ang mga tao po namin nasa ground na po. Yung mga taong tutulong po sa election that will be manning the election nandoon na po sa BARMM. Eighty percent po nandoon na lahat kasi yun po yung needed dyan but right now we’re 100%. Nandito na po yung pulis natin,” dagdag niya.

Umakyat na ang bilang ng validated election-related incidents (ERIs) sa 35, base sa PNP.

Bineberipika pa ng PNP ang pitong suspected ERIs sa Cagayan Valley, Bicol, Soccsksargen, CAR, at Metro Manila.

Kasado ang araw ng eleksyon sa Mayo 12. RNT/SA