Home NATIONWIDE PNP todo-alerto sa posibleng resbak ng Dawlah

PNP todo-alerto sa posibleng resbak ng Dawlah

327
0

MANILA, Philippines – Nagtaas ng alerto ang Philippine National Police sa lahat ng yunit sa gitna at kanlurang Mindanao para sa posibleng retaliatory attacks matapos patayin ang isang mataas na lider at eksperto sa bomba ng Dawlah Islamiyah–Hassan Group.

Ayon kay PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakikipagkoordina ang pulis sa Armed Forces of the Philippines upang palakasin ang depensa at tiyakin ang kaligtasan ng mga sibilyan.

Ang suspek, kinilalang si Ustadz Mohammad Usman Solaiman, ay napatay sa isang operasyon noong Linggo sa Barangay Satan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.

Pinaniniwalaang eksperto sa paggawa ng bomba si Solaiman at konektado sa sunod-sunod na pambobomba sa mga bus sa buong Mindanao.

“I urge the public to remain calm and immediately inform authorities if you have information about these lawless elements or other local terror groups,” ani Nartatez. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here