Home OPINION PNP: WANTED ‘JOLLY POJIES’

PNP: WANTED ‘JOLLY POJIES’

136
0

“GOOD morning everyone! Sharing a meaningful Bible verse today may it inspire and uplift your day”.

‘Yan ang araw-araw na  bumubulaga sa halos 7K Facebook friends (kasama na ang inyong lingkod) at followers  na pinopost nang kung tawagin ay ‘Jolly Guy’  mula sa Philippine National Police.

Bukod sa biblical passages, matutunghayan din sa kanyang FB posts ang mga kaaya-aya at  positibong quotation na  naglalaman ng pag-asa upang maging makasaysayan at makabuluhan ang buhay.

Kung sa kanyang regular na bible verses at quotations ay nagdulot  ng saya sa libong bilang niyang FB friends at followers, lalo pa siguro kapag personal nilang makilala at makadaupang palad itong ating bida.

Sa mga kaibigan at nakakakilala, Jolly Guy ang bansag nila rito dahil  maaliwalas ang mukha,  laging nakangiti at masaya bukod pa sa hindi mariringgan ng mga salitang makasisira sa kanyang pagkatao.

Sa CAMANAVA kung saan ko siya unang nakilala, walang negatibong puna kundi ‘all praises’ sa kanya ang nakasamang ‘men and women’ ng Northern Police District, ganoon din ng Northen Metro beat reporters.

Isang pang bagay na lalong nagpaningning sa personalidad ng masayahing taong ito sa mga barangay chairman at kagawad ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela ay ang tuwi-tuwinang presensya nito sa kanilang birthdays.

Dala ang regalong cake, susuungin ang lugar ng birthday celebrants para makisaya – ugaling kinagiliwan ng lubos na bihirang makita sa tulad niyang may mataas na posisyon sa police organization.

‘Di rin matatawaran ang galing nito sa trabaho dahil kakambal ng kanyang pagiging ‘happy and cheerful’ na katauhan ay ‘di matatawarang accomplishment ng kanyang marubdob na police career.

Itong binabanggit nating jolly guy ay maituturing na asset ng PNP dahil  sa mga tinukoy nating kadahilanan – na ‘sad to say’ ay iilan lang kapag sinala ang mahigit 200,000 na official and men Pambansang Pulisya.

Sa kasalukuyan na ang PNP ay nilalayuan imbes na nilalapitan dahil sa samu’t saring kapalpakan,   kailangan ang sandamakmak na jolly guys  na klasikong halimbawa ay si PBGen Ponce Rogelio ‘Pojie’ Peñones, Jr.

Miyembro ng PNPA Class ’95, si Peñones ay dating Zambales PD, NPD director, hepe ng PNP Legislative Affair Center at kailan lang ay itinalagang Deputy Director for Operations ng National Capital Region Police Office.

Nawa’y bahain ng  ‘Pojies’ ang PNP upang marating, makamtan ang minimithi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na “Bagong Pilipinas”.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here