MANILA, Philippines – Hindi pa operational ang PNR Bicol Express.
Ito ang paglilinaw ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) kasunod ng mga kumalakat na impormasyon sa social media na tatlong oras na lamang ang biyahe mula Laguna hanggang Bicol.
Ang mabilisang rehabilitasyon ng rutang Calamba-Legazpi na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay inaasahang matatapos sa 2026.
Kasalukuyang inaayos din ng PNR ang right-of-way ng PNR-South Long Haul Project.
Samantala, operational naman ang mga sumusunod na ruta: Calamba-Lucena (2 oras at 33 minuto), Sipocot-Naga (1 oras at 12 minuto), at Naga-Legazpi (3 oras at 17 minuto).
Para sa mga opisyal na impormasyon, sundan ang social media pages ng PNR. Jocelyn Tabangcura-Domenden