Manila, Philippines- Sa kanyang X social media account, may isang netizen na nang-urot kay Pokwang kung bakit wala ang komedyana sa ginanap na GMA gala.
Patola naman ang komedyanteng sumagot sa tweet ng nasabing netizen.
Sey ni Pokwang, pinili raw niyang maging praktikal dahil inuna muna niya ang kanyang hanap-buhay.
Nagluto raw kasi siya dahil sa bulk orders ng kanyang paninda.
Hirit pa niya, bukod sa iwas gastos, di rin daw niya bet na laitin.
Tweet niya: “Nagluto po ako ng paninda ko sa Mamang Pokwang’s gourmet meron po kasi deadline mga bulk na order po.
A-attend ka ng GALA gagastos ka e effort ka tapos lalaitin kapa ng tao hahahhaha edi magluto nalang ng paninda.”
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang kanyang post.
May mga nang-intriga pang baka di raw invited ang TV host at actress.
“Okay na yung unang statement e. Halata mong may bitterness.”
“Baka di invited.”
“Tama ka, kaya ako pag di invited sa mga weddings, imbes na malungkot, sigh of relief talaga!”
“True naman. Hair and Make-up = about 10K + na plus meals and transpo. Hotel accomodation = 15K + Gown = 25K + stylist dyan pa lang, talo ka na.
“Magastos talaga ang umattend ng balls, gala, debut, wedding etc hahaha.”