Home ENTERTAINMENT Pokwang, tinawag na ‘chakadang,’ bumuwelta!

Pokwang, tinawag na ‘chakadang,’ bumuwelta!

Manila, Philippines – Masaya si Lee O’Brian dahil muli nitong nakapiling ang anak na si Malia O’Brian mula sa estranged partner nitong si Pokwang.

Post ni Lee sa kanyang Instagram last November 28, 2023, “Had a blast this weekend with you , my dear @malia_obrian . Love you sweetie!!”

Kung marami man ang natuwa sa pagkikita ng mag-ama,may isang netizen na tinawag na “chakading” o ang ibig sabihi’y pangit, ang dating Kapamilya host-comedienne.

Komento ng basher, “Napagod ba makipaglaban ung ex mong chakading [laughing emojis].”

Hindi naman nagpatinag sa kanya ang TiktoClock host.

Binuweltahan niya ito at tinawag pang “demonyo.”

Buong litanya ni Pokwang, “hoy DEMONYONG TROLL! Bago mo ako tawaging chaka ipakita mo muna mukha mo wag ka magtago sa paro-paro GAGO! Di pa tapos ang laban may VAWC pa akong isasampa hangga’t di kayo tumitigil na mga HAYOP!”

Sa panayam kay Pokwang, kanyang sinabi na may isasampa siyang reklamo na Violence against Women and Children (VAWC) laban sa mga bashers. Ador Saluta

Previous articleKarla, nakipagkita sa abogado, nangangamoy demanda?
Next articleJose Mari Chan, di na bet gumawa ng album!