Home ENTERTAINMENT Karla, nakipagkita sa abogado, nangangamoy demanda?

Karla, nakipagkita sa abogado, nangangamoy demanda?

Manila, Philippines – Any parent will always take a bullet for his child no matter what.

How much more kung “sakdal-linis” o guiltless ang kanyang anak sa mga walang katotohanang paratang na ipinupukol dito?

Such is the unshaken stance of Karla Estrada sa gitna ng tinatamong batikos laban sa kanyang anak na si Daniel Padilla.

Matatandaang pinalagan ng TV host ang ulat ni Cristy Fermin bago umamin sina Kathryn Bernardo at Daniel that they ended their 11-year relationship.

Karla labelled Cristy’s item as untrue.

Hindi raw totoong may sinabihan siyang kaibigan na hiwalay na ang couple.

Kasunod nito’y iginiit ni Karla na hindi cheater ang kanyang anak.

Pagdidiin ni Karla: “Hindi cheater ang anak ko! My son is not perfect but he’s growing and learning.

“People commit mistakes and it’s crucial to understand the context and effort he’s putting in to become a better person.”

Okey na sana had Karla chosen to stop there.

Kaso, may nakakita umano sa TV host na may kausap na mga abogado.

Nag-jump to conclusion agad ang mga netizens.

Ano raw ba ang ibig sabihin ng pakikipag-usap ni Karla sa mga may alam sa batas?

Is she contemplating holding fake news peddlers accountable?

Reaksyon naman ng mga netizens: if that’s the case, ang daming sasampahan ng libel ni Karla!

Mapi-pinpoint daw ba niyang lahat ang mga nagsasabing cheater ang kanyang anak?

Sa pag-aaral ng libel, of all the elements that constitute such offense, the hardest to prove is the presence of malice.

Nahahati pa ito either malice in law or in fact.

Aware daw ba kaya si Karla sa consequences ng kanyang legal remedy kung totoo ngang may balak siyang magdemanda?

And how ironic, host pa naman daw siya ng programang Face to Face.

May tagline pa naman ito na hindi na kailangan pang humantong ang kaso sa korte kung maaari namang pag-usapan…face to face! Ronnie Carrasco III