Home ENTERTAINMENT Pokwang, umariba na naman kay Lee; Netizens, narindi na!

Pokwang, umariba na naman kay Lee; Netizens, narindi na!

Manila, Philippines – Thanks to her BFF Eugene Domingo, napahinuhod niya kasi si Pokwang na lubayan na ang dati nitong karelasyong si Lee O’Brian.

Or so we thought.

Hindi pa rin pala ganap na nag-mellow si Pokwang kay Lee.

Sa X (dating Twitter) account niya, muli na namang umariba ang komedyante on the guise ng pagsuporta nito kay Ryan Bang.

Ryan is from South Korea na napadpad sa bansa and has found his way into showbiz.

Sa recent guesting ni Ryan sa Fast Talk with Boy Abunda, nabanggit niya ang kagustuhang manatili sa Pilipinas.

Bukod sa lumaki raw siya rito’y ramdam niya ang pagtanggap ng mga Pinoy sa kanya.

Enter frame si Pokwang na nakasama ni Ryan sa ilang proyekto sa ABS-CBN.

Suportado raw ng komedyana ang kagustuhan ni Ryan dahil: “Isa siyang mabuting tao, hindi manggagamit at hindi oportunista!”

Of course, ginamit lang ni Pokwang si Ryan pero ang totoo’y kay Lee naman patungkol ang komento niya.

‘Di pa nakuntento, humirit pa si Pokwang: “Hindi tulad ng iba diyan, user lang ang peg!”

Akala siguro ni Pokwang ay nakahanap siya ng mga kakampi sa tinuran niya.

One netizen shot back, ano raw ba ang maaring gawin ni Lee para mapatawad niya?

Still another X user posted na dapat pa nga’y magpasalamat si Pokwang kay Lee, dahil kung wala ito’y wala ring isisilang na Malia sa mundo.

Isa pang netizen ang obyus na rinding-rindi na sa mga walang patumanggang hanash ni Pokwang kay Lee: “Mag-move on ka na!”

So, balewala lang pala ang payo ni Uge sa kanya?

Tengang-kawali lang ang peg! Ronnie Carrasco III