Home ENTERTAINMENT Political analyst, binarag si Robin sa kawalan ng common sense!

Political analyst, binarag si Robin sa kawalan ng common sense!

1
0

Manila, Philippines – Nakaka-frustrate o nakapanlulumo umano ang kawalan ng common sense ni Sen. Robin Padilla kaugnay ng pamamaril ng isang mag-aaral sa isang paaralan sa probinsya kamakailan.

Ang insidente’y naganap sa isang national high school sa Tacloban City, Leyte.

Ayon sa isang political analyst, ang instinct daw ng senador ay babaan ang criminal liability ng sampung taong gulang.

Gayong ang dapat sana na instinct ni Robin ay itanong muna kung sino ang mga iresponsableng adult “who made it easy for those minors to get hold of guns.”

Ayon sa ulat, ang baril na ginamit sa school shooting ay nagmula sa mga adult sources.

Ang isa’y Glock9mm na pagmamay-ari ng isang policewoman.

Ang isa nama’y .38 calibre revolver na nakarehistro sa isang security agency.

Ayon sa political analyst: “Lowering

the age of criminal liability to 10 years does absolutely nothing to prevent a minor from physically picking up an unsecured weapon.”

Ang lohika daw ni Robin “treats the child’s age as the main reason for the crime, when the dangerous failure of adult supervision and gun safety protocols are the real reasons why four other children are now dead.”

Ang kawalan daw ng logic ni Robin ang mas magpapahamak sa mga kabataan.

Sa huli, iginiit ng political analyst–hanggang kailan ba tayo boboto ng mga senador na walang common sense tulad ni Robin Padilla?

Zero common sense, matatanggap mo ‘yon na wala ka, Binoe? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here