Home NATIONWIDE Pope Francis dumating na sa Indonesia

Pope Francis dumating na sa Indonesia

INDONESIA – Dumating na si Pope Francis sa Indonesia para sa tatlong araw na pagbisita sa mga Katoliko sa pagsisimula sa naturang bansa sa kanyang four-nation tour sa Asia Pacific kabilang ang Papua New Guinea, East Timor and Singapore.

Nakipagkita ang Papa Kay President Joko Widodo matapos ang kanyang pagpapahinga sa mahabang byahe.

Kasalukuyang kinakatawan ng mga Katoliko ang halos tatlong porsyento ng populasyon ng Indonesia — mga walong milyong tao, kumpara sa 87 porsyento, o 242 milyon, na Muslim.

Ngunit isa sila sa anim na opisyal na kinikilalang relihiyon o denominasyon sa sekular na bansa, kabilang ang Protestantismo, Budismo, Hinduismo at Confucianism.

Nakatakda ring makipagpulong ang Papa sa mga kinatawan sa Istiqlal Mosque, ang pinakamalaki sa Southeast Asia at ang simbolo ng religious co-existence.

Pagkatapos ay magho-host siya ng misa at magbibigay ng sermon sa 80,000-seater national football stadium ng Indonesia.

Ang kanyang paglalakbay sa Indonesia ay ang pangatlo sa kanyang pagiging isang Papa at ang una mula kay John Paul II noong 1989.

Orihinal na binalak noong 2020 ngunit ipinagpaliban dahil sa pandemya ng COVID, ang pagbisita ay naganap tatlong buwan bago ang kanyang ika-88 kaarawan.

Dumating sa Indonesia si Pope Francis na naka-wheelchair dahil sa kanyang kalusugan kung saan sumailalim ito sa hernia surgery noong nakaraang taon at nakaranas ng respiratory issues.

Hindi pa siya naglalakbay sa ibang bansa mula nang bumisita sa Marseille sa France noong Setyembre ng nakaraang taon, na kinansela ang palano dahil sa usapang klima ng United Nations sa Dubai pagkalipas ng dalawang buwan. Jocelyn Tabangcura-Domenden