Home NATIONWIDE 17 Pinoy seafarers sa barkong hinostage ng Houthi, ligtas – DMW

17 Pinoy seafarers sa barkong hinostage ng Houthi, ligtas – DMW

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Migrant workers Secretary Hans Cacdac sa publiko na nanatiling ligtas na ang 17 Filipino seafarers na hinostage ng mga Houthi rebels simula Nobyembre nang nakaraang taon, habang ang gobyerno ng Pilipinas ay patuloy na nakikipag-ugnayan para sa kanilang posibleng paglaya.

Sinabi ni Cacdac sa Kapihan sa Bagong Pilipinas forum na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay kasalukuyang nagsasagawa pa rin ng mga pagsisikap upang matiyak na mapalaya ang mga Filipino crew members ng MV Galaxy Leader.

Noong Nobyembre 2023, inanunsyo ng DFA na 17 Filipino seafarers ay kabilang sa mga dayuhan na hinostage ng mga rebelde ng Houthi sa isang cargo ship sa southern Red Sea.

Sinabi ng DFA na nakatuon sila sa insidente na sinasabing konektado ito sa nagpapatuloy na girian sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas.

Ang Houthi ay naglunsad ng mga pag-atake sa mga barko sa mga katubigan ng Red Sea at Gulf of Aden na isa sa mga pinaka-abalang shipping lane sa mundo mula noong Nobyembre nang nakaraang taon bilang pakikiisa sa Palestinians sa panahon ng digmaan ng Israel at Hamas sa Gaza. Jocelyn Tabangcura-Domenden