Home NATIONWIDE Pope Francis kay Trump: Mamuno nang may kapayapaan, pagkakasundo sa mga tao

Pope Francis kay Trump: Mamuno nang may kapayapaan, pagkakasundo sa mga tao

MANILA, Philippines – Hinimok ni Pope Francis si US President-elect Donald Trump na pamunuan ang isang lipunang ‘walang puwang para sa galit’ at isulong ang ‘kapayapaan at pagakaksundo sa mga tao.’

Sa kanyang mensahe na minarkahan ang inagurasyon ni Trump, nag-alok ang Santo Papa sa incoming President ng magiliw na pagbati at ang katiyakan ng kanyang mga panalangin na ang makapangyarihang Diyos ay bibigyan siya ng karunungan, lakas at proteksyon.

Hinihiling din ng Papa sa Diyos na gabayan ang kanyang pagsisikap sa pagtataguyod ng kapayapaan sa mga tao habang nahaharap sa maraming hamon.

Noong Linggo ay kinondena ni Pope Francis ang mga plano ni Trump para sa malakihang pagpapa-deport ng mga undocumented migrants.

Pinuna ni Francis ang pagiging anti-migrant na patakaran ni Trump.

Noong nakaraang taon, tinawag ni Francis na “kabaliwan” ang malupit na anti-migrant na pag-uugali ni Trump at punahin ang mga maka-kanang Katoliko dahil sa sobrang konserbatibong paninindigan. Jocelyn Tabangcura-Domenden