MANILA, Philippines – Ikinabahala ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang panganib na kinakaharap ng Pilipinas kung nasa kontrol ng China ang National Grid Corporation of the Philippines, ang nag-iisang transmission company sa bansa.
Ang pahayag ay ginawa ni Barbers kasunud ng pagkakadiskubre ng paghawak ng mga Chinese ng matataas na posisyon sa NGCP.
“Totoo ba na kapag halimbawa nagkaroon tayo ng alitan sa ating kapitbahay na China, eh isang pindot lang ba nila mawawala na ang power sa atin? That needs to be answered. The Filipino people must be informed,” paliwanag no Barbers.
Sinabi pa ni Barbers na maging ang working group sa loob ng NGCP ay pinamumunuan din ng mga Chinese national na sina Yuan Minjun at Chen Changwei.
“Chinese nationals being involved in the decision-making of the NGCP, did not just raised eyebrows, so to speak, but also, ito ay isang national security vulnerability sa tingin ko,” giit ni Barbers.
Muling iginiit ni Barbers na dapat pagtuunan ng pansin ng NGCP ang malinaw na pamamahala nito at operational transparency. Gail Mendoza