Home NATIONWIDE Pope Francis magpapakita sa publiko sa unang pagkakataon sa loob ng 5...

Pope Francis magpapakita sa publiko sa unang pagkakataon sa loob ng 5 linggo

MANILA, Philippines- Plano ni Pope Francis na gawin ang kanyang unang pagpapakita sa loob ng limang linggo ng araw ng Linggo, at magbabasbas mula sa kanyang bintana sa kanyang kwarto sa Gemelli Hospital matapos siyang maospital dahil sa kanyang double pneumonia, sinabi ng Vatican.

Ang papa ay isang beses lamang nakita mula nang ma-admit sa ospital.

Nais ng papa na dumungaw sa bintana ng ospital ng Linggo ng tanghali upang magbigay ng pagbati at basbas, sinabi ng Vatican sa isang maikling pahayag noong Sabado.

Sinabi ng Vatican na ang papa ay hindi inaasahang makapaghahatid ng panalangin ngayong Linggo, bilang senyales na nagpapagaling pa rin ang siya sa kanyang pulmonya ngunit sisilip siya sa bintana para sa isang pagbati. Jocelyn Tabangcura-Domenden