Home NATIONWIDE Comelec nasa huling yugto na ng preparasyon para sa Eleksyon 2025

Comelec nasa huling yugto na ng preparasyon para sa Eleksyon 2025

MANILA, Philippines- Matatapos na ng Commission on Elections (Comelec) ang preparasyon para sa May 12 national at local elections (NLE).

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na nasa 90 hanggang 95 porsyento na ang paghahanda habang ang mga miyembro ng Board of Elections Inspectors ay sumasailalim sa training.

Ayon kay Garcia, handa na sila para sa balota– biniberipika na lamang ito at ang Voter’s Information Sheet o VIS ay matatapos nang maimprenta sa Marso 25.

“Our teachers are still undergoing training. Our countrymen can enroll in internet voting. We already have a link for that so you can vote.” ayon kay Garcia.

Nag-deploy na ng security forces ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Hinakayat din ang publiko na iulat ang mga NLE candidates na lumabag sa patakaran ng komisyon tulad ng vote buying at paglalagay ng campaign materials sa hindi awtorisadong lugar.

Pinayuhan din ni Garcia ang mga kandidato na subaybayan ang kanilang mga kalaban na maaring magsamantala at idiin ang sisi sa kanila.

Ang panahon ng kampanya para sa local candidates ay magsisimula sa Marso 28. Tatakbo ang lahat ng campaign activities sa Mayo 10 o dalawang araw bago ang halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden