Home NATIONWIDE Pope Francis sa mga pari: Misa siguruhing maikli pero malinaw

Pope Francis sa mga pari: Misa siguruhing maikli pero malinaw

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pope Francis na dapat panatilihing maikli ng mga pari ang kanilang mga homiliya at magsalita nang hindi hihigit sa walong minuto upang pigilan ang mga miyembro ng kongregasyon na mawalan ng gana.

“The homily, or message delivered by a celebrant during a church service, must be short: an image, a thought, a feeling,” sabi ng Papa sa kanyang weekly audience.

“It should not last longer than eight minutes because after that time attention is lost and people fall asleep, and they are right,” sabi pa ni Francis.

“Priests sometimes talk a lot and you don’t understand what they are talking about.”

Ang homiliya sa Roman Catholic service ay kadalasang sinusundan ng pagbasa mula sa Bibliya at ginagamit upang palakasin ang pagtuturo.

Kamakailan ay nagsalita si Pope Francis tungkol sa pangangailangan ng mga pari na panatilihing malinaw sa kanilang mga homiliya ang mga salitang ginagamit.

Matatandaan na nagdulot ng kontrobersya sa mga ulat na gumamit siya ng isang mapanirang termino upang ilarawan ang komunidad ng LGBT.

Humingi ng paumanhin si Pope Francis noong nakaraang buwan matapos iugnay sa kanya ng Italian media ang paggamit ng salitang “frociaggine,” isang bulgar na terminong Italyano na halos isinasalin bilang “faggotness” o “faggotry” noong Mayo 20 sa isang closed-door meeting kasama ang mga Italian bishops.

Gayunpaman, ayon sa Italian news agency na ANSA, inulit ni Francis ang termino noong Martes nang makilala niya ang mga paring Romano. Jocelyn Tabangcura-Domenden