MANILA, Philippines – Inilabas na ng Supreme Court (SC) ang pormal na kopya ng resolusyon nito na nagbabasura sa hiling na agarang maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang korte para maharang ang pag-aresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunita na Marso 12, ibinasura ng SC ang petisyon ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na humihiling na pagbawalan ang gobyerno na makipagtulungan sa International Criminal Court.
Humingi rin ang petitioner na mapigilan ang pag-aresto at pagdala kay Duterte sa The Hague, Netherlands.
Isinampa ni dela Rosa ang petition sa araw mismo na isinilbi kay Duterte ang warrant. Teresa Tavares