Home NATIONWIDE Kitty nanawagan, magsindi ng kandila para kay Digong

Kitty nanawagan, magsindi ng kandila para kay Digong

MANILA, Philippines – Nanawagan ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte ng suporta sa pagharap ng ama sa Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court (ICC) mamayang alas-9 ng gabi.

Ayon kay Kitty sa kanyang Instagram story, nanawagan ito ng suporta para sa dating Pangulo, na aniya ay hindi lamang bilang tagasuporta nito kundi bilang isang Filipino.

“I am calling unto you, not as his supporters, but as Filipinos, to stand for what is right,” ani Kitty.

Dagdag pa niya, maaari rin umanong magsindi ng kandila kasabay ng panalangin.

“…Light a candle, whether you are in the Philippines or abroad. Let us be one in prayer and one in upholding our rights to this sovereignty,” wika nito sa kanyang story. RNT/JGC