Home METRO PPP Party-list inenderso ni Tatay Digong at mga anak

PPP Party-list inenderso ni Tatay Digong at mga anak

Tatak Duterte: Tinaas ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Davao City Mayor Baste Duterte ang mga kamay ng mga nominado ng PPP party-list sa pangunguna ni Harold Duterte.

Sa isang pagtitipon kamakailan, muling tinaas ni former President Rodrigo Roa Duterte ang mga nominado ng Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) party-list.

Nakuwa ng PPP Party-list na may numerong 2 sa balota ang puso ng dating Presidente na kilala sa Tatay Digong dahil sa naglalayon ang mga ito ng magandang platorma para sa bansa partikular na sa mga mangingisda at mandaragat.

“Nais namin mabigyan focus ang ating mga bayaning mangingisda. Tamang benepisyo at tulong na nararapat sa kanila ang unang nating isasabatas. Gaya ng tulong sa kanilang mga anak at life insurance na nararapat sa kanila, pahayag ni first nominee Harold Duterte.

“Taos puso ang aming pag papasalamat sa ating dating Presidenteng Rodrigo ‘Tatay Digong’ Duterte, VP Inday, Rep. Paolo at Mayor Baste sa pag pili sa PPP Party-list. Hindi po namin siya bibiguin lalo na ang taong Bayan,” dagdag ni Duterte.

Ang PPP ay inindorso din ng lahat ng asosyon ng mga mangingisda o fisherfolks group sa buong bansa. RNT