Home NATIONWIDE P750K agarwood nasabat ng BOC

P750K agarwood nasabat ng BOC

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang papalabas na kargamento na naglalaman ng bihira at mataas na halaga ng agarwood na tumitimbang ng isang kilo at nagkakahalaga ng P750,000 noong Enero 31, 2025, sa isang warehouse sa Pasay City.

Nabatid sa BOC na ang naharang na kargamento ay idineklara bilang dried wood chips, ay sumailalim sa masusing pisikal na pagsusuri na nagresulta sa pagkakadiskubre na naglalaman ito ng agarwood, isa sa pinakamahalaga at lubos na hinahangad na mga kahoy sa buong mundo dahil sa paggamit nito sa pabango, tradisyunal na gamot, at mga mamahaling produkto.

Ang nasabing exportation ay labag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), Forestry Reform Code of the Philippines (PD 705), at Wildlife Resources Conservation and Protection Act (RA 9147), na kumokontrol sa kalakalan at pag-export ng mga endangered at protected species. JR Reyes