MANILA, Philippines- Nilalayon ng Department of Agriculture (DA) na impluwensyahan ang local market para ibaba ang rice retail prices ng mas malapit sa July 2023 levels sa ilalim ng food security emergency para sa bigas.
Nagmarka kasi sa panahon na ito ang tuloy-tuloy na pagtaas ng rice inflation sa bansa, nakapagtala mula July 2023 hanggang November 2024, lumampas sa target ng gobyerno na 4% para sa rice inflation.
“Such (a) condition is considered to remain in place while rice prices have not returned close to the level prior (July)… Iyong July 2023 well milled is P45 per kilogram (and) regular milled is P41/kg,” ang sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa.
Sa ilalim ng food security emergency para sa bigas, layon ng DA na tugunan ang tumataas na presyo, ibenta ang mga stock ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) sa local government units (LGUs), ibang ahensya ng gobyerno at government-owned and controlled corporations (GOCCs) sa halagang P33/kg, at gawin itong accessible sa mga consumer sa halagang P35/kg, at tulungan na ihanda ang mga NFA warehouse para sa napipintong palay procurement mula sa mga lokal na magsasaka.
Idagdag pa rito, sinabi ni de Mesa na ang National Price Coordinating Council (NPCC) ay gumawa ng resolusyon kung saan kinokonsidera ang saklaw ng “extraordinary” price hikes ng bigas sa kabila ng bumababang mga presyo ng bigas at ibinaba o 15% taripa sa imported rice.
“Nakita yun ng NPCC na beyond doon sa 4 percent na inflation sa rice, more than double digit at hindi ganun kabilis ang pagbaba. So that’s basically the reason why we are doing this,” aniya pa rin.
Tinukoy naman ni De Mesa ang pagsirit ng rice inflation na umabot ng 8% noong August 2023, 17% noong September 2023, at mas mahigit sa 20% level sa buong mga buwan ng 2024.
Sinasabing nitong December 2024 lamang, nakinabang ang mga Pilipino mula sa 0.8% rice inflation, isang maKabuluhang pagbaba mula sa 5.1% na iniulat, isang buwan na mas maaga, batay sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa kasalukuyan, ang presyo ng imported regular-milled rice hanggang imported well-milled rice sa Metro Manila ay mula P38/kg hanggang P52/kg; habang ang local regular-milled hanggang local well-milled rice ay may presyong mula P37/kg hanggang P55/kg, ayon sa DA-Bantay Presyo.
Samantala, sinabi ni De Mesa na naturang deklarasyon “will be subject to periodical reviews” upang matiyak ang pangangailangan.
“So kapag nakita natin na we are already meeting the objectives, itong (this) declaration, the secretary may lift it already. So since this is an emergency, we want to resolve it as soon as possible,” ang sinabi ni De Mesa.
“Ito ay ire-review periodically. Every month, every two months, ang NPCC nag-commit i-review ito four months,” dagdag niya. Kris Jose