Home NATIONWIDE Presyo ng gas, kerosene sisirit; diesel may rollback sa Martes

Presyo ng gas, kerosene sisirit; diesel may rollback sa Martes

MANILA, Philippines – Inaasahan ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Disyembre 5.

Nakikitang ang pagsirit ng P0.10 hanggang P0.39 kada litro ang presyo ng gasolina.

Samantala, ang presyo ng kerosene ay maaaring manatiling o tumaas ng humigit-kumulang P0.20 kada litro.

Maaaring makahinga ng maluwag ang mga motoristang gumagamit ng diesel dahil inaasahang bababa ang presyo ng P0.30 hanggang P0.60 kada litro.

Tumutugma ito sa mga pagtatantya ng mga eksperto na nagsabing magkakaroon ng pagtaas sa susunod na linggo. RNT

Previous articleNavotas ginawaran ng Silver Seal of Protection
Next articleLider ng ‘Bayawak Gang’ utas