Home NATIONWIDE Presyo ng gas sa Pinas labas sa US-Venezuela tension

Presyo ng gas sa Pinas labas sa US-Venezuela tension

304
0

MANILA, Philippines – Hindi makakaapekto sa presyo ng langis sa Pilipinas ang tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Venezuela, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau director Rino Abad, ang inaangkat na langis mula sa Venezuela ay mas mababa sa 1% ng global supply, kaya hindi ito magiging sanhi ng malawakang pagkaantala sa suplay ng langis sa mundo.

“Matagal na hong nasa-sanction ang Venezuela pero ang ine-export nila … around one million barrels per day. So yan po ay less than 1% ng global supply,” ani Abad.

Dagdag niya na halos China lamang ang bumibili ng langis mula sa Venezuela at hindi naman talaga nag-iimport ang Pilipinas mula rito.

“Siguro, at most ang magiging effect kung mayroon man ay yung temporary na pag-increase because of the speculation…Pero dahil may speculative nature yung price, baka mag-increase lang ang price temporarily,” dagdag pa ni Abad ngunit iginiit niyang ang epekto ay hindi malalim at hindi dapat magkaroon ng malaking epekto sa merkado o sa presyo ng langis sa Pilipinas.

Ang pahayag ay kasunod ng tensiyon sa mundo matapos dakpin ng pwersa ng US si Venezuelan President Nicolás Maduro at dalhin sa Estados Unidos kung saan haharap siya sa mga kasong pederal, kabilang ang conspiracy to commit narco-terrorism.

Tinanggihan ni Maduro ang mga akusasyon at inilarawan ito bilang takip para sa planong kontrolin ng US ang mga pinagkukunang langis ng Venezuela. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here