Home HOME BANNER STORY Presyo ng gasolina, diesel tataas, kerosene bababa

Presyo ng gasolina, diesel tataas, kerosene bababa

134
0

MANILA, Philippines – Magkakaroon muli ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo, ayon sa mga kumpanya ng langis nitong Lunes. Ito na ang ikalawang sunod na linggo ng pagtaas sa presyo ng gasolina.

Ayon sa advisory ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp., tataas ang presyo ng gasolina ng ₱2.21 kada litro at diesel ng ₱2.66 kada litro. Samantala, bababa naman ang kerosene ng ₱3.53 kada litro.

Epektibo ang bagong presyo simula 6 a.m. ng Martes, Mayo 5, 2026.

Wala pang pahayag ang ibang kumpanya ng langis hinggil sa kanilang presyo para sa linggong ito.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, inaasahan na ang pagtaas ng presyo dahil sa paghina ng piso na umabot sa record intraday low na ₱61.75:$1 noong nakaraang Huwebes, at nagsara sa record low na ₱61.567:$1 noong Miyerkules.

Noong nakaraang linggo, tumaas din ang gasolina ng ₱0.53 kada litro, habang bumaba naman ang diesel ng ₱12.94 at kerosene ng ₱15.71 kada litro. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here