Home HOME BANNER STORY Presyo ng gasolina tataas, diesel bababa sa susunod na linggo

Presyo ng gasolina tataas, diesel bababa sa susunod na linggo

83
0

MANILA, Philippines – Tataas ang presyo ng gasolina habang bababa naman ang presyo ng diesel sa susunod na linggo batay sa unang tatlong araw ng trading sa world market, ayon sa ulat.

Sa kasalukuyang galaw ng presyo, inaasahang magiging ganito ang pagbabago: diesel – P5.20 kada litro na bawas, gasolina – P2.00 kada litro na dagdag, at kerosene – P6.70 kada litro na bawas.

Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, posible pang bumaba ang presyo ng diesel at kerosene sa huling dalawang trading days, habang maaaring lalo pang tumaas ang gasolina dahil sa pagtaas ng demand sa pagsisimula ng driving season sa Northern Hemisphere.

Dagdag pa niya, mas mataas din ang risk premium ng gasolina kumpara sa diesel dahil sa tumataas na demand nito.

Sa kasalukuyang linggo, parehong tumaas ng mahigit P2 kada litro ang presyo ng diesel at gasolina sa Pilipinas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here