Home NATIONWIDE Presyo ng ilang bilihin tumaas nitong Abril  

Presyo ng ilang bilihin tumaas nitong Abril  

MANILA, Philippines- Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang taas-presyo ng ilang bilihin tulad ng bigas at mantika sa mga unang araw ng Abril.

Sinabi ng PSA na ang average retail price ng kilo ng regular milled rice ay umakyat sa P51.39 sa pagitan ng April 1 at 5, mula sa presyo noong nakaraang buwan na P51.21 at P51.14.

Ang average cost naman ng fresh pork kasim ay tumaas din sa P336.42 kada kilo sa unang bahagi ng Abril, kumpara sa nakaraang average retail prices na P333.64 at P331.80.

Lumobo rin ang kilo ng hawaiian ginger sa nasabing period sa P130.39 kada kilo mula sa nakaraang presyong P121.62 at P119.31.

Gayundin, naitala ang taas-presyo ng mantika, na pumalo ang average retail price sa P156.78 kada litro sa nasabing period, mula sa P154.75 at P154.96 noong Marso.

Gayundin, nakapagtala ang average farmgate price ng palay ng year-on-year increase na 32 porsyento noong Marso sa P24.52 kada kilo mula P18.57 sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Kasunod ito ng pagpalo ng rice inflation sa 24.4 porsyento mula sa 23.7 porsyento—halos katumbas na ng mataas na record na 24.6 percent readout noong February 2009. RNT/SA